
MAGANDANG ARAW!!!!! Gusto mo ba na maransan ang mala fairytale world? gusto mo din ba mag explore na sobrang sulit yung tipong hindi ka magsisisi? Tara na at samahan kami sa aming tour!! kung saan may tatlo tayong lugar na bibisitahin na tiyak na ikabubusog ng inyong mga mata at dagdag kaalaman. Tara na!!!
MGA LUGAR
- INTRAMUROS
- EMILIO AGUINALDO SHRINE
- TEJEROS CONVENTION
- ENCHANTED KINGDOM

Unang destinasyon na aming pinuntahan ay ang intramuros sa manila. Hindi man kami nakababa at naikot ang intramuros. Gayunpaman, Marami parin kaming natutunan dahil sa mga trivia at impormasyong sinabi samin ng aming tour guide. Bawat pader at sulok sa intramuros ay may kanya-kanyang mga nakaraan , kung bakit ito tinayo at kung ano ang kwento sa likod nun. Bitin man dahil hindi namin na libot ng matagal ang intramuros nakita o natanaw naman namin ang itsura nito. Habang papunta naman kami doon ay marami din kaming nakitang mga museo na talaga namang nakaka-interesado. Umaasa akong makakabalik kami doon at malilibot ng mas matagal ang intramuros.

Ang ikalawang destinasyon na ating pupuntahan ay ang Emilio aguinaldo shrine. kung saan unang itinalaga ang Araw ng kalayaan o independence day, ang araw na nakamit nating mga pilipino ang kalayaan mula sa mg mananakop. dito din ang unang pagwagayway ng ating pambansang watawat na nagpapahiwatig na tayo ay malaya na mula sa mga mananakop. Pasukin naman natin ang bahay ni aguinaldo makikita mo dito ang mga sinaunang gamit mula pa sakanyang bahay mapahanggang sa mga sandata na iginamit sa pakikipaglaban. Lubos naming nasulit ang parte na ito sapagkat nagkaroon kami ng pagkakataon na masilip ang mumunting palasyo ni aguinaldo.

Ang tejeros convention ang ating ikatlong destinasyon. kung saan ay may dalawang panig na namamagitan eto ang magdiwang at magdalo. Eto ay patungkol sa botohan ng dalawang panig.

ENCHANTED KINGDOM!!!!!!!!!!!! At ang huli naming distinasyon kami ay nagtungo sa "Enchanted kingdom" ang lugar kung saan pinapangarap na puntahan ng maraming kabataan. Ilang oras lang ang lumipas at nasilayan na namin ang nakamamangha sa gandang "Enchanted Kingdom". Pagkababang pagkababa namin ng bus ay kitang kita sa mukha ng bawat isa ang tuwa at excitement sa mga nakikita naming nag lalakihan at naggagandahang rides. At ang una naming pinuntahan at ang "Rialto" lahat kami ay walang idea sa kung ano ang mangyayari sa loob pero di namin pinagsisihan ang pag pasok namin doon dahil nag enjoy kaming magkakaibigan sa bawat tili sa bawat pag taas ng paa sa pisik ng tubig sa mukha namin para nandun na din kami sa mismong pinapanood namin. At ang sunod naman naming sinakyan ay ang "Flying Fiesta" dun mararanasan mong lumipad, salubungin yung hangin at isigaw lahat ng tuwa kasama ang buo nyong tropa tapos ay pagtritripan nyo yung tropa nyong takot na takot. At ang huli naming sinakyan ay ang "Rio Grande" dito kami basang basa yung tipong pati underwear mo basang basa pero sulit yung pagligo mo kasi kita mo yung itsura ng bawat isa sa inyo kada ikot ng inuuupuan nyo ay inaantay nyo kung sino yung susunod na mababasa. Halos lahat kami ay umuwing pagod pero may masaya't magandang alaala na dadalhin namin hanggang sa pagtanda at maikwekwento ang msasayan alaala sa aming mga kapatid ang pamilya.
Comments
Post a Comment